Tomorrow I will be heading to Davao to help in my dad's business. I am really really excited to go to Mindanao again and to finally see people who speak Bisaya! I'm so happy because I have friends who are patient enough to teach me this wonderful dialect.
If there's gonna be one person whom I'll be missing when I leave Luzon, it's gonna be Boy Silingan. Masarap lang talaga na gawan siya ng kanta. Ewan ko ba kung bakit. Pati nga ako minsan na nalilito. Sa Bisaya, "Nalibog ko!" *guffaw* Minsan may mga pagkakataong na may nakikilala kang mga tao na nagiging inspirasyon mo, kahit alam mo sa sarili mo na wala namang talagang kahahantungan ito. Pero dahil sa realidad na ito, mas lalo mong naiisip na shit, buhay pa pala ako, iba itong experience na to...hindi pa ito nangyayari sakin. Tapos araw-araw naiisip mo na sana mapansin niya. Pero minsan nahihiya ka lang talaga. Nagawa ko ang kantang iyon dahil nakaka amaze siyang nilalang. Kahit hindi naman talaga uubra, kahit pa wala ka namang pag-asa para dun, kahit shit ang baduy, ang cheesy, kahit leche, ginagawa mo ng gago ang sarili mo...okay lang kasi, yun ang totoo mong naramdaman. Tapos isang araw, matatawa ka na lang kasi naging ganun ka, pero hindi ka magsisisi kasi, ang taong ito ay ispesyal. Parang ensaymada na may cheese. Cheesy talaga--- shemay.
Hahaha, sana yung nanay ko di mabasa tong blog na to.
Monday, April 5, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment